Patuloy na makikipag-ugnayan ang Philippine National Police (PNP) sa mga local government unit (LGU) na possibleng maapektuhan ng bagong Bagyong Marce na pumasok na sa philippine area of responsibility (PAR).
Sa pulong balitaan sa Kampo Krame, sinabi ni PNP Spokeperson PBGEN. Jean Fajardo na malaki ang maitutulong ng mga LGU sa maagang paghahanda at pagbibigay ng babala sa publiko.
Muling nanawagan si Gen. Fajardo sa publiko, partikular ang mga naninirahan sa mga mababang lugar at mga lugar na madalas na binabaha at may landslide na maging handa sa epekto ng bagyo.
Huwag na aniyang ipagsawalang bahala ang epeko ng bagyo tulad ng nangyari sa lalawigan ng Batangas at sa rehiyon ng Bicol.
Nananatiling nakahanda ang mga karagdagang pwersa ng PNP upang tumulong sa humanitarian mission sa lugar na labis na maapektuhan ng bagyo.