Muling nagpulong ang Provincial Joint Security Control Center na binubuo ng PNP, Philippine Army , Coastguard, National Intelligence Coordinating Agency, COMELEC at PPCRV upang talakayin ang mga direktiba sa isasagawang halalan.
Naging sentro ng pagpupulong ang mga huling kaganapan sa mga lugar na nasa ilalim ng COMELEC Yellow Category Areas Of Concern at direktiba ng tanggapan sa nalalapit na araw ng pagboto.
Tinalakay din ang election-related incidents at pamamaril sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan sa mga nakalipas na linggo na isa sa tinututukang resolbahin ng kapulisan upang mapaigting ang seguridad ng publiko.
Samantala, nagsimula na rin ang deployment ng kapulisan sa bawat bayan para sa halalan kasabay ng pagpapatupad ng ilang municipal ordinances tulad ng Curfew sa mga kabataan sa Manaoag simula 10 PM hanggang 4AM.
Sa Bayambang, nauna na ring inihayag ng lokal na pamahalaan ang ipatutupad na Liquor Ban simula May 11 hanggang May 12 base sa COMELEC Resolution No. 11057.
Kaugnay nito, tiniyak ng Pangasinan Police Provincial Office ang kaayusan sa isasagawang halalan ngayong taon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments