Paghahanda sa kalamidad at sakuna gamit ang science at technology, tinalakay ng ilang mga opisyal ng pamahalaan at pribadong sektor

Tinalakay ng ilang opisyal ng pamahalaan at ng ilang pribadong sektor ang nararapat na paghahanda sakaling may dumating na sakuna at kalamidad.

Mismong si Secretary Fortunato Dela Peña ng Department of Science and Technology (DOST) ang nanguna sa 2022 Asia Pacific Science and Technology Conference for Disaster Risk Reduction na ginanap sa Conrad Hotel sa Pasay City.

Bukod kay Dela Peña, dumalo rin sa nasabing coference ang ilang opisyal ng Asia-Pacific Science and Techincal Advisory Group (AP-STAG) na sina Dr. Rajib Shaw, Mr. Marco Toscano-Rivalta, chief ng United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNDRR), UNDRR Regional Office for Asia and the Pacific at Mr. Gustavo Gonzalez, UN Resident Coordinator and Humanitarian Coordinator in the Philippines.


Kasama ring dumalo sina Usec. Renato Solidum ng DOST, Ms. Antonia Yulo Loyzaga, president ng National Resilience Council at Ms. Liza Silerio ang Vice President for Corporate Compliance Group ng SM Supermall na siya ring miyembro ng Arise Philippines at Usec. Ricardo Jalad na Executive Director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Administrator ng Office of Civil Defense (OCD) na unang nagpadala ng mensahe bago nagtungo ng personal sa nasabing event.

Layunin ng pagpupulong ay para magamit ang ilang mga kaalaman sa sensya at teknolohiya para magkaroon ng sapat ng kaalaman hinggil sa mga darating na sakuna at kalamidad.

Kasama rin dito ang ilang pamamaraan para maiwasan at paghandaan ang anumang hindi inaasahang insidente.

Facebook Comments