PAGHAHANDA SA NALALAPIT NA REGIONAL SCHOOL PRESS CONFERENCE 2023 SA LUNGSOD NG ALAMINOS, PUSPUSAN NA

Matapos ang tatlong taon, muling nagbabalik ang isa sa malaking aktibidad ng DepEd na Regional School Press Conference o RSPC na gaganapin sa Lungsod ng Alaminos sa darating na June 15-17, 2023.
Dahil sa nalalapit na pagbabalik nito, puspusan na ang ginagawang paghahanda ng mga organizers maging ng Host LGU na lokal na pamahalaan ng Alaminos City.
Nasa labing-apat na Schools Division sa rehiyon uno ang sasabak kung saan lalahukan ito ng mga miyembro ng campus journalist mula sa rehiyon uno.

Nito lamang mga nakaraang araw, isinagawa ng mga kawani ng Host School Division ang Coordination meeting at mga site inspection sa mga lugar para sa paghahanda ng aktibidad.
Kamakailan ginanap ang isang Security Plan upang tiyakin ang magiging seguridad ng mga delegado kung dumalo sa nasabing pulong ang City Administrator’s Office, Public Order and Safety Office (POSO), PNP-Alaminos Police Station, BFP-Alaminos City, City Disaster Risk Reduction ang Management Office, Philippine Coast Guard at ng Philippine National Police Explosive Ordinance and Canine Unit Alaminos City.
Sa ngayon, puspusan pa rin sa paghahanda ang mga LGU Alaminos katuwang mga host division para sa lahat ng kailangan pang paghandaan gaya ng seguridad, kaayusan at kalinisan sa mga billeting schools, trapiko, pagkain at marami pang iba.
Ngayong araw, nakatakdang gaganapin ang isang press conference sa Alumni Home sa Alaminos City National High School. |ifmnews
Facebook Comments