Paghahanda sa paggunita ng Semana Santa ng PNP – mas hinigpitan, banta ng terorismo – itinanggi

Manila, Philippines – Bilang paghahanda sa darating na SemanaSanta mas hihigpitan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) angpag-iinspeksyon sa mga terminal ng bus, paliparan, pantalan at simbahan sa MetroManila.

 
Sa interview ng RMN kay NCRPO Director Oscar Albayalde,simula ngayong linggo ay maglalagay na sila ng police assistance desk sa mganasabing lugar para magbigay seguridad at ayuda sa mga pasahero.

 
Tiniyak din ni Albayalde, na wala silang namo-monitor naanumang banta sa seguridad ngayong holy week pero nananatiling nakaantabay angkanilang pwersa.


 
Kasabay nito, simula bukas (April 5) magtataas na ngalerto ang Philippine Coast Guard.

 
Ayon kay coast guard officer in charge commodre JoelGarcia, bahagi ito ng paghahanda sa mga pantalan na inaasahang dadagsain nglibu-libong pasahero na mag-uuwian sa mga lalawigan.

 
Tatagal ang nasabing alerto nang hanggang April 20.

 

 
 

Facebook Comments