Paghahanda sa pasukan, bubusisiin sa Senado kasunod ng pagpuna ng COA sa pondong inilaan sa distance learning

Ilang linggo bago magsimula ang School Year 2021-2022 ay pangungunahan ni Committee on Basic Education Chairman Senator Win Gatchalian ang pagbubusisi sa kahandaan ng Department of Education (DepEd) sa pagpapatuloy ng distance learning.

Ang hakbang ni Gatchalian ay kasunod din ng pagpuna ng Commission on Audit (COA) sa deficiencies kaugnay sa pagpapatupad ng Basic Education Learning Continuity Plan na umabot sa mahigit ₱8-bilyon.

Tinukoy ni Gatchalian na kabilang sa mga pinuna ng COA ang ilang lapses sa budget utilization, kawalan o kakulangan ng mga kinakailangang mga dokumento, mga pagkukulang pagdating sa disbursement at procurement, at iba pa.


Pinuna rin kasi ng COA ang naging mga aberya sa procurement, pag-imprenta at paghahatid sa mga self-learning modules na itinuturing na backbone ng distance learning.

Giit ni Gatchalian, dapat ay natuto na tayo mula sa karanasan natin nang nakaraang taon upang maiwasan ang mga naging problema sa pagpapatupad ng distance learning.

Facebook Comments