
Pinangunahan ni Philippine National Police o PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang pulong kasama ang security forces at political leaders sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang tiyakin ang isang mapayapa at maayos na eleksyon sa rehiyon.
Sa isinagawang Inter-Agency Security Cluster Meeting kasama ang Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard, tinalakay ang mga hakbang upang mapanatili ang kaayusan sa nalalapit na 2025 Midterm at BARMM Parliamentary Elections.
Kasunod nito, isang pulong din ang idinaos kasama ang political leaders ng BARMM upang pag-usapan ang kanilang mahalagang papel sa pagpapanatili ng mapayapang halalan.
Ani Marbil, katuwang ang iba pang security forces kanilang titiyakin na walang sinumang maaaring manakot, manggulo, o mandaya upang maapektuhan ang karapatan ng mamamayan sa malayang pagboto.
Mas pinaigting din ng Pambansang Pulisya ang kanilang hakbang laban sa private armed groups, pagpapatupad ng gun ban, at pagpigil sa vote-buying at pananakot.
Samantala, hinimok din nito ang political leaders ng BARMM na makiisa upang mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.