Paghahanda sa "The Big One", ipinatuturo sa mga paaralan

Manila, Philippines – Hinihikayat ni Ako Bicol Rep. RodelBatocabe ang lahat ng mga paaralan sa bansa na maghanda na sa pinangangambahang”The Big One”.
  Ito ay dahil na rin sa magkakasunod na lindol nanaramdaman ngayong Linggo sa Batangas at sa ibang mga karatig na probinsya atsa ilang bahagi ng Metro Manila.
  Ayon kay Batocabe, dapat na magkaroon ng Disaster RiskReduction, Management and Education program sa mga paaralan maging sa mgakolehiyo at unibersidad.
  Kaugnay dito ay inihain ni Batocabe ang House Bill 805kung saan inoobliga ang lahat ng eskwelahan, unibersidad at kolehiyo na turuanang mga mag-aaral, mga magulang, faculty staff at mga guro sa paglalatag ngemergency plan at sa paghahanda sa mga dapat gawin sakaling yumanig ang isangmalakas na lindol.
  Dapat na turuan ang lahat kung ano ang mga bahagi sapaaralan ang ligtas at matibay laban sa lindol.
  Hindi lamang lindol kundi maging ang malalakas na bagyoay dapat na alam din ng mga estudyante ang dapat na gawin.
  Pinagpoproduce din ng mga educational print materials angmga paaralan na magsisilbing warning signs kung disaster prone ang lugar napinagtayuan ng paaralan at nakalagay din dito ang contingency plan,preparedness plan at hazard map na magsisilbing paalala sa mga estudyante samga dapat gawin sakaling may kalamidad.
 

Facebook Comments