Nahakahanda na nasa P1.5 billion na halaga ng relief ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sakaling manalasa ang bagyong “Paeng”.
Ayon sa DWSD, nasa P660 million ang kanilang standby funds at mahigit P700 million na halaga ng available food at non-food items.
Maliban rito, mayroon ring stockpile na nasa 386,400 family food packs na nagkakahalaga ng mahigit P130 million na handang i-deliver sa mga posibleng maapektuhan ng naturangbagyo.
Nagpaalala naman ang DSWD na bagaman wala pang direktang epekto ang bagyo, mahalaga pa rin ang maging alerto.
Sa pagtaya ng PAGASA, nagbabanta ang bagyo na manalasa sa dulong hilagang Luzon.
Facebook Comments