PAGHAHANDA | "Tanggal Bulok, Tanggal Usok” campaign, aarangkada na ngayong araw

Manila, Philippines – Simula ngayong araw ipatutupad na ng Department of Transportation, katuwang ang Inter-Agency Council on Traffic o I-ACT ang “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” campaign.

Ito ay bilang paghahanda sa inisyal na pagpapatupad ng PUV Modernization Program sa bansa, alinsunod narin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pangungunahan ni DOTr Usec Tim Orbos ang kampanya at mag uumpisa nang pumara at manita ng mga road-unworthy public utility vehicles na bumabagtas sa kahabaan ng EDSA.


Pero dahil dry run pa lamang, pagsasabihan muna ang mga lalabag ditto.

Ang aktibidad na ito ay naglalayomg makamit ang mas malinis, mas ligtas at mas maginhawang biyahe para sa ating mga kababayan.

Simula kasi ngayong Jan 2018 ipatutupad na ng DOTR ang Motor Vehicle Inspection System (MVIS).

Ito ay mahigpit na pag iinspeksyon sa lahat ng pampubliko at pribadong sasakyan upang matiyak ang road worthiness at pagsunod sa emission standards ng lahat ng sasakyan.

Hindi tulad ng smoke emission tests, ang MVIS ay fully automated, ibig sabihin less human intervention kung saan ang computer ang syang mag iinspekyon sa mga sasakyan kabilang ang break pad thickness, coil spring rigidity, chassis strength at iba pa.

Facebook Comments