Manila, Philippines – Gagamit na ang Commission on Elections (COMELEC) ng automated voter verification para malabanan ang pamamayagpag ng flying voters.
Ayon sa COMELEC, magkakaroon sila ng pilot test sa May 2019 midterm elections kung saan maglalagay ang COMELEC ng Voter Registration Verification System (VRVS) Machine sa mga piling polling precinct.
Sa pamamagitan ng nasabing makina, isasailalim sa scanning ang daliri ng mga botante bago bigyan ng balota.
Kapag naging lalabas positibo ang resulta ng fingerprint scanning, bibigyan ang botante ng balota at kung hindi naman tumugma, lalabas na ang botante ay hindi rehistrado sa lugar.
Kabuuang 32, 067 VRVS machine ang plano ng COMELEC na ipakakat sa May 2019 elections.
Pinondohan ang proyekto ng P1.16 billion, pero nagpapatuloy pa ang proseso ng bidding para dito.