PAGHAHANDA | Tokyo, Japan, naghahanda na para sa pagho-host ng 2020 Olympics

Japan – Ngayon pa lang ay puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Tokyo, Japan para sa nalalapit nilang pagho-host ng 2020 Olympics.

Ayon kay John Coates, Chairman ng International Olympic Committee, may 200 miyembro ng National Olympic Committees (NOC) ang bibisita sa Tokyo sa Nobyembre para magsagawa ng inspeksyon sa magiging venue ng Olympics.

Makakatuwang din nila ang International Sporting Federations para sa nasabing preparasyon.


Nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga stakeholders para masigurong hindi sila aatras sa pakikipagtulungan sa komite.

Matatandaang sinabi ni Yoshiro Mori, ang presidente ng organizing committee ng 2020 Tokyo Olympics na hangga’t kaya ay magtitipid sila sa paggastos sa hosting ng naturang sporting event.

Facebook Comments