PAGHAHANDA | WBO, ipinag-utos ang laban ng mga Pinoy boxers na sina Donnie Nietes at Aston Palicte para sa bakanteng super-flyweight championship

Manila, Philippines – Iniutos ngayon ng World Boxing Organizations (WBO) sa mga promoters ng Pinoy boxers na sina Donnie Nietes at Aston Palicte na magtakda na ng laban para sa bakanteng super-flyweight championship.

Sa sulat na ipinadala ng WBO, mayroon na lamang sampung araw ang ala promotions na humahawak kay Nietes at RJJ promotions na handler ni Palicte na i-set na ang laban ng dalawang boksingero.

Ito na ang magiging ikalawang beses ngayon taon na maghaharap ang dalawang Pinoy boxer para sa world title kung saan maunang maglalaban sina IBF Super Flyweight Champion Jerwin Ancajas at Jonas Sultan sa May 27.


Facebook Comments