PAGHAHANDA | Zero incident ng indiscriminate firing, target ng PNP sa Bagong Taon

Target ng Philippine National Police (PNP) ang “zero incident” ng indiscriminate firing ngayong Bagong Taon.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, natuto na ang mga pulis sa paulit-ulit na paalala ng pamunuan ng PNP tungkol sa pagbabawal ng pagpapaputok ng kanilang service firearms sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

Kaya inaasahan na aniya nila na pagsapit ng Bagong Taon ay magiging zero incident na rin.


Ipinakita na aniya ng mga pulis na responsable sila sa paggamit ng kanilang mga armas kaya hindi na kailangang selyohan o lagyan ng tape ang kanilang mga baril tulad ng ginagawa na ng mga nakalipas na taon.

Pero sinabi ni Albayalde, na hindi siya pabor sa pagseselyo dahil nagmumukha lang katawa-tawa ang mga pulis na kailangang tanggalin muna ang tape sa baril bago ito gamitin kung may lehitimong operasyon.

Ngunit kung meron pa rin aniyang pasaway na mga pulis, ito ay agad na ipapasibak sa pwesto kasama ng kanyang immediate supervisor, sasampahan ng administratibong kaso at kung mapatunayang may-sala, tiyak na masisibak sa serbisyo.

Facebook Comments