Paghahasik ng takot, maiiwasan kung ihihinto ang pagpapakalat ng fake news ukol sa terorismo

200

Manila, Philippines – Pinayuhan ni Senator Bam Aquino ang pubiko na huwag maging instrumento ng mga teroristang grupo sa paghahasik ng takot sa ating lipunan.

Ayon kay Aquino sa halip na maging problema ay dapat tiyakin ng bawat isa na maging parte ng solusyon sa pamamagitan ng paghinto ng pagpapakalat ng mga fake news at hindi beripikadong mga impormasyon.

Halimbawa nito, ayon kay Aquino, ang mga text messages at mga impormasyon sa social media kaugnay sa mga lugar na plano umanong bombahon o guluhin ng mga teroristang grupo.


Diin ni Aquino, dapat maging maingat ang bawat isa at tiyaking galing sa official sources ang impormasyong ibabahagi.

Facebook Comments