Paghahati sa Brgy. Bagong Silang, Caloocan sa anim na barangay, aprubado na ng Comelec

Pormal nang inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang paghahati sa Barangay 176 o Bagong Silangan, Caloocan City sa anim na independent barangay.

Papangalanan ang mga ito na Barangay 176-A, Barangay 176-B, Barangay 176-C, Barangay 176-D, Barangay 176-E, Barangay 176-F.

Ang nasabing desisyon ay kasunod ng pagpabor ng 22,854 na mayorya ng mga rehistradong botante sa lugar, habang 2,584 na residente naman ang hindi sumang-ayon sa isinagawang plebisito.


Nasa mahigit 25,000 na residente ang lumahok sa plebisito mula sa kabuuang 86,153 na botante sa lugar.

Facebook Comments