Paghahati sa Maguidanao maituturing na "History" sa Administrasyon ni Governor Bai Mariam

Ikinagalak ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang pagkakapasa sa kongreso ng panukalang batas na maghahati sa Probinsya.

Positibo rin ang Gobernadora na papaboran ng mga taga Senado ang House Bill 6403 .

Nauna ng inihayag ni Governor Bai Mariam na magiging malaking tulong para sa mga residente ng lalawigan ang pagkakaroon ng panibagong probinsya mula sa Maguindanao. Mas matututukan aniya ang mga pangangailangan ng taumbayan.


Matatandaang kabilang sa ipinangako ni Governor Bai Mariam sa kanyang kampanya noong nakaraang election ang paghahati ng Maguindanao para na rin sa tunay na kaunlaran ng probinsya. Nasa kongreso rin ito kasama ang mga opisyales ng Sangguniang Panlalawigan maging halos lahat ng alkalde para ipakita ang suporta sa panukalang batas .

Sakaling papasa na Senado, papaboran sa plebisito at malalagdaan na ng Presidente, Magkakaroon na ng Northern Maguindanao na kinabibilangan ng mga bayan ng Buldon, Barira, Matanog, Sultan Mastura, Sultan Kudarat, Parang, Mother and Northern Kabuntalan. Datu Blah Sinsuat, Datu Odin Sinsuat, Upi at Talitay habang 24 na bayan naman ang bubuo sa Southern Maguindanao na karamihan ay nasa second district.

Samantala, maidadagdag naman ito sa ilang itinuturing na #HISTORY sa Administrasyon ni Governor Bai Mariam , matatandaang si Governor Bai Mariam ay ang kauna-unahang babaeng Gobernadora hindi lamang sa Maguindanao kundi sa buong Bangsamoro Region.

Naitala rin sa Philippine Political History ang pagkakaroon ng Elected Couple Governor sa magkaibang probinsya, kabilang na sina Governor Bai Mariam ng Maguindanao at mister nito na si Sultan Kudarat Governor Teng Mangudadatu.

Facebook Comments