Pasado na sa Final Reading sa Kongreso ang House Bill # 6413 o ang paghahati ng Maguindanao.
Sinasabing walang tumutol na kongresista sa naging panukala o lahat ng 231 na present kahapon sa kongreso ay pumabor na ipasa ang batas sa third and final reading ayon pa kay Maguindanao 1st District with Cotabato City Representative Datu Roonie Sinsuat sa panayam ng DXMY ngayong umaga.
Kaugnay nito inaantay na lamang ang magiging resulta sa gagawing deliberasyon Senado dagdag ni Representative Sinsuat. Positibo naman ang kongresista na susuportahan ng mga Senador ang paghahati ng Maguindanao.
Nakatakda ring magsasagawa ng plebesito sa mga baying sasakupin nito.
Kabibilangan ng mga bayan ng Datu Odin Sinsuat, Sultan Kudarat, Sultan Mastura, Northern at Mother Kabuntalan, Barira, Buldon, Parang, Matanog, Upi, Datu Blah Sinsuat at Talitay ang bubuo sa Northern Maguindanao.
Habang ang mga bayan ng Ampatuan, Buluan, Datu Paglas, Datu Piang, Pagalungan, Shariff Aguak, South Upi, Sultan sa Barongis, Talayan, General S. K. Pendatun, Mamasapano, Datu Montawal (Pagagawan), Paglat, Guindulungan, Datu Saudi Ampatuan, Datu Unsay, Datu Abdullah Sangki, Rajah Buayan, Pandag, Mangudadatu, Datu Anggal Midtimbang (Talayan), Datu Hoffer Ampatuan, Datu Salibo, at Shariff Saydona Mustapha ang Southern Maguindanao.
Kasama ni Congressman Sinsuat si Maguindanao 2nd District Congressman Toto Mangudadatu sa nag-inisyatiba ng paghahati ng lalawigan.
Matatandaang nauna na rin sinuportahan ng mga kasalukuyang opisyales ng probinsya ang usaping ito. Magiging malaking tulong aniya ito upang lalo pang matutukan ang mga pangangailangan ng mga residente giit pa ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.