Siniguro ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar na maayos na naihahatid sa mga lungsod sa Metro Manila ang mga bakuna na galing sa cold storage facility sa Marikina City.
Ito ay kahit may mga checkpoint na nakalatag sa mga border ng lungsod ngayong umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Ayon kay Eleazar, may mga nakatalaga namang escort sa paghahatid ng mga bakuna at bukod dito, mahigpit ang bilin niya sa mga pulis na kailangang makadaan agad sa mga checkpoint ang mga cargo.
Kaya naman walang naging problema sa mabilis na pagbiyahe ng mga bakuna kontra COVID-19.
Matatandaang sinabi ng pamunuan ng PharmaServ Express na walang aberya sa pag-iimbak nila ng mga bakuna pero nagkakaroon umano ng hamon sa paghahatid nito sa iba’t ibang mga Local Government Unit (LGU).