PAGHAHATID NG DEKALIDAD NA EDUKASYON SA MGA MAG-AARAL NG BAYAN NG CALASIAO, SUPORTADO NG LGU

Ipinarating ngayon ng lokal na pamahalaan ng Calasiao ang buong suporta nito sa hanay ng kaguruan sa bayan para sa dekalidad na paghahatid ng edukasyon sa mga mag-aaral sa bayan.
Dahil sa naganap na Implementasyon ng 2023 Results-Based Performance Management System Philippines Professional Standards for Teachers (RPMS-PPST) ay ipinarating ng alkalde na si Mark Kevin Roy Macanlalay ang isa sa mga adhikain ng LGU Calasiao na tulungan ang mga magagaling at masigasig na guro ng bayan sa pamamagitan ng paghahatid ng de-kalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral.
Sa programang ito, namahagi din ng mahalagang mensahe ang District Supervisor II ng DepEd na si Dr. Daisy Tello kung saan ang naturang suporta ay mapapakinabangan naman ito ng LGU sakaling dumating na ang panahon na maging matagumpay ang isang mag-aaral.

Binigyang diin naman ng alkalde na ang sakripisyo ng mga guro sa kanilang bayan bilang kaisa sa paghubog ng kapakanan ng mga mag-aaral ay hindi matatawaran at itinuturing din silang mga unsung heroes o mga bayani. |ifmnews
Facebook Comments