Paghahatid ng droga gamit ang private plane at chopper, hiniling na imbestigahan ng Kamara

Manila, Philippines – Hiniling na rin ni Dangerous Drugs Committee Chairman Robert Barbers ang ibang paraan ng paghahatid ng iligal na droga.

Sa pagdinig ng komite ni Barbers, sinabi nitong gumagamit na ngayon ng mga private plane at helicopters para maihatid ang iligal na droga.

Inihalintulad pa ni Barbers ang ginawa noon ng Colombian drug lord na si Pablo Escobar na gumagamit ng private plane at choppers para maglabas ng droga sa labas ng Colombia.


Hindi aniya malayong ganito na rin ang paraan ng mga drug lords sa bansa matapos pa ang pagkakatuklas na nagagamit ang GRAB express delivery sa pagdeliver ng drugs.

Dapat aniyang magkaroon na ng kontrol sa lahat ng uri ng delivery ang mga otoridad partikular na ang PDEA.

Facebook Comments