Isinulong ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian na patatagin ang kakayahan ng basic education sector na maghatid ng edukasyon sa gitna ng mga sakuna at anumang emergency situation katulad ng COVID-19 pandemic.
Kaugnay nito ay inihain ni Gatchalian na siyang Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, ang Senate Bill No. 1565 o ang Education in the Better Normal Act ang hybrid learning system.
Layunin ng hakbang ni Gatchalian na tiyakin na ang ating sistema ng edukasyon ay mas matatag sa gitna ng mga krisis upang matiyak ang kapakanan ng bawat mag-aaral.
Nakapaloob sa panukala ang paggamit ng iba’t ibang paraan ng pagtuturo: homeschooling, online learning, pagtuturo sa radyo at telebisyon, at mga printed modules.
Sinisiguro rin ng panukala na ang mga mental health services, life skill classes, at psychosocial first aid ay maihahatid sa mga mag-aaral kasama ang may mga kapansanan.