Manila, Philippines – Umaasa ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na mapabubuti ng Social Security System (SSS) ang serbisyo nito lalo at pirmado na ang SSS Rationalization Act.
Ayon kay TUCP President Raymond Mendoza – inaasahang magiging maayos pa ang ihahatid na serbisyo ng SSS dahil tataas na muli ang buwanang kontribusyon ng mga miyembro nito.
Aniya, hindi sila kontra sa planong 12% increase sa SSS monthly premium lalo at bahagi ito ng implementation ng bagong SSS law.
Pero patuloy na magbabantay ang TUCP sa mga magiging hakbang ng SSS laban sa mga employer na tumatakas sa pagbabayad ng remittances at sa pagtitiyak na nagkakaroon ng dibidendo sa SSS investments.
Facebook Comments