Paghahatid ng tulong sa mga LSI, patuloy ayon sa DSWD

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya ng Pamahalaan para tulungan ang mga Locally Stranded Individuals (LSIs) sa ilalim ng Hatid Tulong Program.

Sa statement, handa ang DSWD na magbigay ng financial assistance sa mga LSI sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

Tinatayang nasa 2,000 LSIs na binubuo ng mga estudyante, manggagawa, Overseas Filipino Workers (OFW) at local tourist ang nag-avail ng libreng transportation assistance.


Ang mga LSI ay kailangang sumailalim sa rapid testing bago sila bigyan ng travel authorization.

Kinakailangan din nilang sumailalim sa second screening at mandatory 14-day quarantine sa kanilang mga probinsya para matiyak na wala silang COVID-19.

Maliban sa financial aid, binibigyan din ang mga returnees ng pagkain at Family Food Packs.

Sa ngayon, aabot na sa ₱2.19 million na halaga ng ayuda ang naipamahagi ng DSWD sa mga LSI.

Facebook Comments