Paghahayag ng galit ni Pangulong Duterte sa EU, media ang pinanggalingan – Palasyo

Manila, Philippines – Isinisi ng Palasyo ng Malacañang sa media kung bakit nagalit si Pangulong Rodrigo Duterte sa European Union (EU) kung saan pinaulanan pa ng Pangulo ng mura ang EU at pinaaalis pa sa bansa ang mga ito.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ibinase kasi ni Pangulong Duterte ang kanyang mga sinabi kahapon sa mga nabasa niyang mga balita.

Kaya naman sinabi ni Abella na kung maglalabas ng mga balita ay dapat malinaw ang mga balitang ilalathala ng mga ito.


Sa ngayon aniya ay ipinapaliwanag na kay Pangulong Duterte ang ang issue kung saan hindi mula sa EU ang mga lumabas sa balita dahil miyembro umano ang mga ito ng International Delegates of Progressive Alliance na nagpakilala umanong mula sa EU.

Sinabi din naman ni Abella na ipinapaliwanag na ng pamahalaan sa mga kinatawan ng EU sa Pilipinas kung ano ang nangyari at kung ano ang pinaghuhugutan ng galit ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments