Paghain ng Search Warrant sa Upi nauwi sa Engkwentro

Isang mainit na sagupaan ang naganap sa pagitan ng mga grupo ng Marine Battalion Landing Team (MBLT-7) at mga elemento ng Municipal Police sa North Upi laban sa mga armadong grupo na pinamunuan di umano ng isang Rusty Kanda.

Nagsimula ang tensyon sa kalagitnaan ng pagbibigay ng warrant of arrest ng pwersa ng gobyerno ay sinalubong sila ng labing tatlong mga armadong kalalakihan ni Kanda.

Si Kanda ay mayroon naka binbing kaso laban sa paglabag sa Republic Act 9156 o ang Comprehensive Dangerous Act ng 2002 at pag labag sa Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms And Ammunition Regulation Act”


Ang enkwentro ay naganap kahapon na nag tagal ng dalawampung minuto, ika labing dalawa ng Agosto bandang ala sais ng umaga sa Brgy. Blensong, North Upi, Maguindanao.

Walang nasaktan sa nasabing engkwentro sa pwersa ng gobyerno bagamat may nabalitang nasaktan sa mga nanlabang armadong grupo. Bigo naman ang mga operatiba na maaresto ang target suspect.(RAHMA S. CHIO,NDU, BACOMM 4)
File PIC

Facebook Comments