Paghalo ng New Peoples Army sa mga mag ra-rally ngayong labor day aasahan ng PNP

Inaasahan na ng Philippine National Police ang mga grupong makikigulo sa paggunita ng Araw ng mga Manggagawa ngayong Mayo a-Uno.

Ito’y kasunod na rin ng intelligence report ng Armed Forces of the Philippines na may mga myembro New People’s Army na posibleng humalo sa mga raliyista sa mga pagtitipon.

Ayon kay PNP Chief Police Gen Oscar Albayalde may mga grupong armado na nagtatago lang sa pagkilos at naghahanap ng pagkakataon para lumikha ng tensyon.


Inihalimbawa nya dito ang nangyaring Hacienda Luisita Massacre noong 2004 at Kidapawan massacre kung saan mga kalaban ng gobyerno ang naging dahilan ng gulo sa mga kilos protesta kaya may namatay at nasugatan

Babala ni Alabayalde sa mga lalahok sa kilos protesta, mag-ingat, at maging mapagmatyag.

Paalala naman ni PNP Chief sa kanyang mga tauhan na pairalin ang maximum tolerance ngayong inaasahan nila sa ng kilos protesta lalo na dito sa Metro Manila.

Facebook Comments