Pagharang ng Chinese Coast Guard sa mga Pilipinong mangingisda, indikasyon na walang kontrol ang Pilipinas sa West Philippine Sea

Nabaliktad na ang sitwasyon sa West Philipine Sea kasunod ng nangyaring pagharang at umano’y pagha-harass ng Chinese Coast Guard sa bangkang pangisda ng mga Pilipino sa Pagasa Island noong Lunes, Enero 25, 2021.

Ito ang naging pahayag ni Security Analyst Prof. Rommel Banlaoi matapos hindi pahintulutan ng Chinese Military na makapangisda ang mga Pilipino sa nasabing teritoryo.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Banlaoi na indikasyon lamang ito na humina na ang water patrol capabilities ng bansa na naging dahilan ng paglakas ng ibang bansa tulad na lamang ng China.


Aniya, kailangan maibalik sa atin ang kontrol sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagpatrolya ng otoridad tulad ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard.

Kaugnay nito, iginiit ni Banlaoi na hindi dapat palampasin ng pamahalaan ang nangyaring insidente sa mga mangingisda sa Pagasa Island.

Samantala, tiniyak ni National Security Adviser Gen. Hermogenes Esperon na patuloy ang kanilang pagpa-patrolya sa mga sakop na isla ng bansa.

Facebook Comments