Manila, Philippines – Hindi papatulan ng Malacañang ang hamon ni Senator Risa Hontiveros kay Pangulong Rodrigo Duterte na palagan ang ginawang pagharang ng Hong Kong immigration kay dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi pwedeng maki-alam o manghimasok ang gobyerno sa batas immigration sa ibang bansa.
Aniya, ang pangyayari ay sa pagitan lang ni Morales at ng Hong Kong immigrations.
Hindi naman masabi ni Panelo kung may kinalaman sa politika ang naging aksyon ng Hong Kong laban kay Morales.
Matatandaang kabilang si Morales sa mga nagsampa ng kaso laban kay Chinese President Xi Jinping sa International Criminal Court (ICC).
Facebook Comments