Manila, Philippines – Beberipikahin pa ng Armed Forces of the Philippines ang napaulat na paglalagay ng sasakyan ng Maute Terror Group sa harap ng kanilang hideouts sa Maraw City para mapigilan ang operasyon ng military.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo, kailangan muna raw kumpirmahin ang balitang ito bago silang magbigay ng komento.
Nagpapatuloy naman daw ang kanilang operasyon at may mga tauhan naman sila sa ground sa Marawi City para matukoy ang impormasyon.
Sa ngayon, mayroon na lamang daw 50 hanggang 70 miyembro ng Maute Terror Group ang nanatili sa ilang bahagi ng Marawi.
Hindi naman importante sa pamunuan ng AFP kung gaano pa kalaki ang bilang ng maute sa Marawi.
Ang mahalaga ngayon ay nakatutok sila sa kanilang misyon na tapusin na ang gulo sa Marawi City sa lalong madaling panahon.