Pagharap ni dating Mayor Jed Mabilog sa imbestigasyon ng Kamara, demolition job sa mga Duterte at kaalyado nito — Sen. dela Rosa

Naniniwala si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na walang ibang layunin ang pagharap ni dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog sa imbestigasyon ng quad committee sa Kamara kundi ang siraan ang pamilyang Duterte at ang mga kaalyado nito.

Ayon kay Dela Rosa, bahagi ito ng fishing expedition upang hanapan ng kasalanan ang mga Duterte at kaniyang mga kaalyado.

Aniya, hindi na “in aid of legislation” ang pagdinig kundi para siraan si Vice President Sara Duterte at mapahina ang kaniyang tsansa sa 2028 Presidential Election dahil interesado sa pagka-pangulo si Speaker Martin Romualdez.


Itinanggi ulit nito ang akusasyon na isasangkot sa illegal Drugs sina dating Sec. Mar Roxas at dating Sen. Franklin Drilon.

Matino rin ang kaniyang pagkakilala kay Mabilog ngunit nailagay ang kaniyang pangalan sa drug watchlist dahil wala silang ginagawa sa drug lord sa Iloilo City na si Melvin Odicta.

Facebook Comments