Pagharap sa ICC, pinaghahandaan na ni Pangulong Duterte

Inihahanda na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga gagawin sa oras na bumaba sa pwesto sa pagkapangulo sa susunod na taon.

Sa Talk to the Nation nitong kagabi, sinabi ng pangulo na handa siyang harapin ang anumang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa oras bumalik sa pagiging sibilyan.

Pinaplano rin ng pangulo ang pag-uwi sa Davao City na aniya’y kagustuhan ng maraming Pilipino matapos ang survey nitong nakalipas na araw kung saan bumaba ang kaniyang satisfaction rating.


Sa ngayon, muling iginiit ng pangulo ang kawalan ng hurisdiksiyon ng ICC sa Pilipinas.

Matatandaang maliban sa Pilipinas ay naging usap-usapan din maging sa ibang bansa ang paglaban sa programang war on drugs ni Pangulong Duterte kung saan libo-libong Pilipino ang nasawi.

Facebook Comments