Patuloy pa din ang ginagawang pang haharass sa mga mangingisda sa bahagi ng West Philippine Sea.
Ayon sa naging panayam ng iFM Dagupan kay PAMALAKAYA Pilipinas President Fernando Hicap, patuloy ang ginagawang pang haharass ng mga Chinese Coast Guard sa mga mangingisda sa West Philippine Sea kung saan ay hirap sila aniya na makahuli ng mas magandang klase ng isda.
Ayon kay Hicap, mabuting gawin ng pamahalaan ay humingi ng tulong sa United Nations upang igiit ang karapatan ng Pilipinas lalo ba sa usapin ng Arbitral Ruling.
Nananatili aniya na mababa ang kita ng mga mangingisda kahit pa holiday season na dahil sa ginagawang pagbabantay ng chinese coast sa Scarborough Shoal. |ifmnews
Facebook Comments