Paghatol ng kaso kay dating PNP Chief Oscar Albayalde at labin-tatlo pa nitong tauhan, itinuturing na welcome development ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong

Itinuturing na welcome development ni dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang rekomendasyon ng Department of Justice (DOJ) na kasuhan ang labin-dalawang pulis na sangkot sa kontrobersyal na buy-bust operation Pampanga noong 2013.

 

Kabilang sa mga pinakakasuhan sina dating PNP Chief Oscar Albayalde at Police Major Rodney Baloyo na siyang nanguna sa anti-illegal drugs operation.

 

Ayon kay Magalong, nagpapasalamat siya sa DOJ at kay Justice Secretary Menardo Guevarra sa naging hakbang nito na muling buksan ang kaso.


 

Malaking bagay aniya ito para hindi mapunta sa wala ang inihain niyang reklamo laban sa mga pulis na nagsagawa ng kontrobersyal na anti-illegal drugs operation sa Pampanga.

Matatandaang si Magalong ang nagbunyag sa naging kapabayaan umano ni Albayalde sa ginawang operasyon ng mga dati nitong tauhan noong provincial director pa siya ng Pampanga PNP.

Facebook Comments