Paghigpit sa pag-iisyu ng PWD IDs, iniutos ng DILG sa mga LGU

Ipinag-utos ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa mga Local Government Unit (LGU) na maghigpit sa pag-iisyu ng Persons with Disability Identification cards (PWD IDs).

Ito’y upang matiyak na mga lehitimong PWD lamang ang mabibigyan nito kasunod ng pagkalat ng mga fake PWD ID para maka-avail ng PWD discount.

Nalulungkot ang Kalihim dahil inaabuso ng ilan ang mga pribelihiyong ibinibigay sa mga tunay na PWD.


Sang-ayon din si Año sa hangarin ng kongreso na i-review ang batas para sa mga taong may kapansanan upang hindi na magamit ang pamemeke at pang-aabuso sa paggamit ng PWD IDs.

Una na nang nanawagan ang dalawang party-list representatives na dapat nang repasuhin ang implementasyon ng PWD law at Implementing Rules and Regulations (IRR) pati ang crackdown sa mga fake PWD na nakakakuha ng fake PWD IDs.

Nakiusap din ang DILG sa mga business establishment na isumbong sa pulis at LGU ang sinumang gumagamit ng fake PWD IDs para sa kaukulang aksyon.

Facebook Comments