Paghigpit sa paglabas ng mga bata, hindi pa kailangan sa ngayon – DTI

Wala pang pinal na rekomendasyon sa ngayon ang otoridad patungkol sa usapin ng pagbabawal sa mga bata na pumasok sa mga mall.

Ngunit naniniwala si Trade Secretary Ramon Lopez na hindi naman ito kailangan sa ngayon dahil hindi maikonekta sa mall ang isyu ng pagkakahawa ng COVID-19 sa isang 2 taong gulang na bata.

Matatandaang may mga ulat na may batang nagpositibo sa sakit matapos umanong pumunta ng mall.


Inihayag din ni Lopez na may ambag din ang kabataan sa pagbangon at pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa.

Aniya, mas maraming aktibidad ang pwedeng gawin ng pamilya kasama ang bata tulad ng pagkain sa labas at pamimili.

Pero iginiit ni Lopez na mahalaga pa rin ang kapakanan ng mga bata kaya payo nito sa mga magulang na huwag dalhin ang kanilang mga anak sa mga lugar na sa tingin nila ay alanganin.

Inaasahan namang magkakaroon ng pinal na desisyon patungkol dito sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments