Paghihiganti sa kapulisan, nakikitang motibo ng Philippine Army sa pagsalakay ng BIFF sa Datu Piang, Maguindanao

Paghihiganti sa kapulisan ang nakikitang motibo ng mga otoridad sa pagsalakay ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Datu Piang, Maguindanao kaninang hatinggabi.

Ayon kay Philippine Army Commanding Lt Gen. Cirilito Sobejana, ito ay kasunod ng pagkakaaresto kamakailan sa isang drug personality na napag-alamang supporter ng BIFF.

Sa ngayon, kontrolado na ng militar ang sitwasyon sa lugar.


Wala namang nasawi o nasaktan sa panig ng tropa ng gobyerno maliban sa isang police mobile na sinunog ng mga bandido.

Nagpapatuloy din aniya ang imbestigasyon at pagtugis nila sa mga suspek.

“Wala na pong dapat ipangamba dahil nandyan an gating kasundaluhan, kapulisan. We are on top of the situation. We can treat this harassment as an isolated case. Sabi ko nga sa ating mga kasundaluhan na magiging proactive tayo. Hindi dapat makalapit sa matataong lugar o public places itong mga teroristang grupo,” ani Sobejana sa interview ng RMN Manila.

Facebook Comments