Iistriktuhan ng lokal na pamahalaan ng Agoo, La Union ang paggalaw ng mga alagang baboy sa bayan matapos ang naitalang kumpirmadong kaso ng African Swine Fever ngayong Hulyo.
Sa bisa ng kautusan, ipinagbabawal ang pagbyahe ng baboy na nasa loob ng 1 kilometer radius at pagkatay ng baboy sa mga kabahayan upang ibenta sa ibang lugar.
Tututukan din ang paghihigpit sa border control areas ng mga karatig bayan upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.
Kinakailangan ang masusing pagbabantay sa mga barangay at agarang pagrereport sa mga suspected cases sa Municipal Agriculture o sa Provincial Veterinarian Office para agad matugunan.
Mananatiling epektibo ang pagpapatupad ng mga hakbang kontra ASF hanggang sa tuluyang makontrol at mapuksa ang sakit sa lalawigan.
Kamakailan, ilang bayan sa La Union tulad ng Bacnotan at San Fernando City ang inanunsyo ng Department of Agriculture na malaya na sa banta ng ASF matapos mapabilang sa higit limampung lugar na lubhang napuruhan ng sakit noong 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






