Paghihigpit muli, hindi malabong mangyari kapag nagpabaya ang publiko

Ngayong ibinaba na sa Alert level 3 ang Metro Manila, walang puwang ang pagpapabaya.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Department of Health o DOH Technical advisory group & Infectious Disease Specialist Dr. Edsel Salvana, hindi naman nangangahulugang wala na ang banta ng COVID-19 bagkus, tinitimbang lamang ng pamahalaan ang kaligtasan at hanapbuhay ng mas nakararaming Pilipino.

Paalala pa nito na nananatiling dominant variant pa rin sa ngayon ang Delta variant na mas mabilis makapanghawa.


Aniya, kapag hindi ito na-sustain ay walang imposible na ibabalik tayo sa mas mahigpit na restrictions.

Sinabi pa ni Dr. Salvana, dapat mahigpit pa ring sinusunod ng publiko ang minimum health & safety protocols.

Sa parte naman ng gobyerno ay dapat na mapaigting ang Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) strategy at mas mapadami pa ang mga nababakunahan.

Napatunayan kasing kapag fully vaccinated na ang isang indibidwal ay maliit na lamang ang tyansa nitong mauwi sa severe o critical case.

Facebook Comments