Paghihigpit ng gobyerno sa NGCP, mas makakabuti para sa investors

Kumpyansa si Energy Committee Chairman Raffy Tulfo na mas magiging poborable para sa mga mamumuhunan sa bansa ang pagiging mahigpit ng pamahalaan sa pagpapatupad ng franchise agreement ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ito ang tugon ni Tulfo kaugnay ng babala ng ilan na maaaring ma-turn off o madismaya ang foreign o local investors kung babawiin ng gobyerno ang prangkisa ng NGCP.

Kung si Tulfo ang tatanungin, mas matutuwa pa ang investors sa paghihigpit na ginagawa ng gobyerno sa NGCP dahil alam nilang sinusunod ng husto ang mga kontrata rito sa ating bansa.


Tiwala ang senador na hindi makaaapekto sa mga negosyo ang hakbang na gagawin ng Senado lalo kung makabubuti naman ito hindi lamang sa mga mamumuhunan kundi pati sa taumbayan na binibigyan nila ng serbisyo.

Matatandaang pinagaaralan ngayon ng Mataas na Kapulungan kung panahon na ba para kanselahin ang 50-year franchise na iginawad ng Kongreso sa NGCP dahil napapadalas ang power outages sa maraming lalawigan sa bansa at bigo rin ang korporasyon na mamintina ang transmission lines.

Facebook Comments