Paghihigpit ng travel restrictions, hindi pa napapanahon sa kabila ng banta ng omicron sub variants

Hindi inirerekumenda ng OCTA Research Group ang paghihipit sa ngayon ng ating mga borders.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Research Group na bagama’t nagkakaroon talaga ng pagtaas ng kaso sa ibang mga bansa lalo na sa mga kapitbahay nating bansa sa Asya, hindi pa napapanahon ang panibagong border control.

Ani David ngayon pa lamang kasi sumisiglang muli ang ating ekonomiya kaya hindi maganda kung ito ay isasarang muli sa foreign travelers.


Ang mahalaga aniya ay fully vaccinated at boosted ang mga pumapasok sa bansa gayundin ang ating mga kababayan at napapanatili ang pagsunod sa health & safety protocols.

Paliwanag nito, bagamat nananatili ang banta ng omicron sub variants na dahilan ng surge sa ibang mga bansa ay hindi naman tayo dapat mag overreact.

Ang mahalaga ani David ay ang pagsunod sa minimum health standards, pagpapabakuna o pagpapa booster nang sa ganon ay mayroon parin tayong proteksyon laban sa COVID-19.

Facebook Comments