Nananawagan si dating Manila 5th District Congressman Amado Bagatsing, na higpitan pa sana ang mga boarder sa coastal area sa Lungsod ng Maynila.
Ito’y upang hindi na makalusot pa ang mga iligal na droga na ibinabagsak sa lungsod.
Sa isinagawang media forum sa Maynila naniniwala si Bagatsing, na dumadaan at ipinapasok ang droga sa boarder line ng karagatan hindi lang sa Maynila kundi sa mga karatig na lalawigan.
Kaya’t dahil dito, dapat aniyang palakasin ang pagbabantay ng mga miyembro ng PNP Maritime Police, Bureau of Custom at Philippine Port Authority.
Iginiit ni Bagatsing na ang Lungsod ng Maynila ay may lawak na coastal area na may habang 20 kilometro mula sa CCP Compex hangang sa bahagi ng Navotas.
At dahil sa lawak ng coastal area, nakakalusot daw talaga ang mga sindikato ng iligal na droga sa bansa.
Dagdag pa ni Bagatsing, kailangan lang magtulong-tulong ang lahat ng LGU’S upang mabantayan at mamonitor ang mga nasabing mga border ng coastal area upang matigil na ang iligal na gawain.