Paghihigpit sa galaw ng mga hindi pa natuturukan ng booster shots, iminungkahi

Iminungkahi ng isang opisyal ng gobyerno na higpitan ang “mobility” o galaw ng mga indibidwal na hindi pa nakakatanggap ng COVID-19 booster shot.

Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, dapat bigyan ng gobyerno ang mga kwalipikado na sa boosters ng hanggang 60 araw para magpaturok bago ito gawing requirement sa pagpasok sa mga establisyimento at pagsakay sa mga Public Utility Vehicle (PUV).

Dagdag pa nito, maaaring maharap muli ang Pilipinas sa mas striktong alert level kung hindi maipapatupad ang mga hakbang na ito sa lalong madaling panahon.


Kapag kasi hindi aniya nagpabooster ang tao, maaaring humina ang immunity natin sa virus.

Sa ngayon, nasa halos 67 milyong inidbidwal sa bansa ang fully vaccinated na laban sa COVID-19 habang mahigit 12 milyon pa lamang ang naturukan ng booster shot.

Facebook Comments