Nagsimula na ang pagpapatupad ng mahigpit na Quarantine Control Points sa boundaries ng Metro Manila simula kaninang alas-12 ng hatinggabi.
Ayon sa Department of the Interior and Local Government, layon nitong masiguro na ang mga tinatawag na Authorized Persons Outside of Residence (APOR) lamang ang papayagang lumabas.
Batay sa IATF Resolution No. 130-a, inatasan ni Interior Secretary Eduardo Año si Joing Task Force COVID Shield Commander Police Lieutenant General Israel Dickson na higpitan ang pagbabantay sa mga quarantine control points.
Samantala, papayagan pa rin ang pagbiyahe ng mga cargo at delivery na dadaan sa boundaries ng Cavite, Bulacan, Laguna, at Rizal.
Facebook Comments