Paghihigpit sa regulasyon sa pag-iisyu ng permit to carry at lisensya sa mga armas, ipinauubaya ng PNP sa Kongreso

Kailangan ng isang batas para masala kung sino ang mga partikular na indibidwal na pwede lang magbitbit ng baril.

Ito ang sagot ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Guillermo Eleazar sa panawagang higpitan ang regulasyon sa paglalabas ng lisensya at permit to carry ng mga armas.

Giit ni PNP chief, marami ang kumukuha sa kanila ng lisensya at permit para magmay-ari ng armas tulad ng mga gun enthusiast, miyembro ng media, mga abogado at maging ang mismong mga pulitiko kabilang na ang mga mambabatas.


Aniya, batay sa batas, kahit sino basta’t kuwalipikado at responsable ay maaaring magmay-ari ng baril.

Kaya nanindigan ang PNP na wala silang babaguhin sa mga kasalukuyang regulasyon dahil tanging ang mga mambabatas lang ang makagagawa nito sa pamamagitan ng pag-amyenda sa batas.

Matatandang sinabi ni Senator Panfilo Lacson na dati ring PNP Chief, na posibleng maabuso ang mungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang mga anti-crime volunteers para makatulong sa PNP.

Facebook Comments