
Kailangan na masusing pag-aralan sa panukalang higpitan o parking ban sa mga kalsada sa Metro Manila.
Sa panayam ng DZXL RMN Manila, sinabi ni Elvira Medina, presidente ng National Center for Commuters’ Safety and Protection, na dapat din na magkaroon ng holistic approach sa ganitong usapin.
Tinukoy ni Medina ang negatibong implikasyon nito lalo sa mga negosyo.
Pero sa pagpupulong ng Metro Manila Council kamakailan, isinantabi na ang total ban sa street parking.
Dahil dito, inatasan ang lahat ng local government units na pag-aralan ang pagkakaroon ng unified no-parking scheme.
Facebook Comments









