Paghihiwalay ng mga taong bakunado at hindi pa, nangangailangan pa ng masusing deliberasyon – DOH

Nababahala ang Department of Health (DOH) sa ilang panukalang ipaghiwalay ang mga taong nabakunahan na laban sa COVID-19 sa mga hindi pa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan ng masusing diskusyon ito sa pagitan ng mga ahensya ng pamahalaan.

Dagdag pa ni Vergeire, na posibleng magkaroon pa ng isyu ng human rights kung paghihiwalayin ang mga tao.


Sa ngayon, ang mahalaga aniya ay sundin ng lahat ng health protocols, para mapababa ang tiyansa ng hawaan.

Facebook Comments