Tinabla ng Malacañang ang mungkahing ihiwalay sa workplace ang mga empleyadong bakunado at hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19.
Kasunod ito ng panukala ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion bilang bahagi ng pag-iingat sa COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi napapanahon para gawin ang mungkahi dahil kakaunti pa lamang ang nababakunahan sa buong populasyon ng Pilipinas kaya maraming factors ang dapat ikonsidera.
Gayunman, ipaparating niya aniya ang mungkahing ito sa Inter-Agency Task Force (IATF) para mapag-aralan dahil bukas naman sila sa lahat ng mungkahi.
“Pag-aaralan po natin iyan, dahil all suggestions naman ay dapat pinag-aaralan. Pero sa tingin ko ngayon dahil eight million mahigit-kumulang pa lang ang ating mga nabakunahan ay hindi pa ito iyong panahon na para gawin iyan ‘no. Pero pag-aaralan po iyan lalung-lalo na habang dumadami iyong hanay ng mga nabakunahan na,” ani Roque.