Paghikayat kay Pangulong Duterte na tumakbong senador sa eleksyon 2022, maituturing na desperate act

Tila desperado na ang paksyon ni Energy Secretary Alfonso Cusi sa PDP-Laban kaya hinihikayat si Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbong senador sa Eleksyon 2022.

Ayon kay Senator Aquilino “Koko” Pimentel III, pinuno ng isa pang paksyon ng PDP-Laban kasama si presidential aspirant at Senador na si Manny Pacquiao, nagpapakita na nakikisakay lamang ang grupo ni Cusi sa popularidad ni Duterte.

Wala namang tugon ang kampo ni Cusi sa pahayag ni Pimentel.


Nitong Miyerkules, sinabi ni Cusi na kung tatakbong senador si Pangulong Duterte ay siya na ang magiging campaign manager nina Senador Ronald “Bato” dela Rosa at Christopher “Bong” Go, na presidential at vice presidential bets ng partido sa halalan.

Unang hinikayat ng partido na tumakbong bise presidente si Duterte pero tumanggi ang pangulo.

Facebook Comments