Iginiit ni Kabayan Party-list Representative Ron Salo sa mga paaralan sa elementarya at sekondarya na magpatupad ng mga programa at mga aktibidad na hihikayat sa mga kabataan na maging aktibo sa larangan ng agriculture, fisheries, forest and marine conservation and management, at ecology.
Nakapaloob ito sa inihain ni Salo na House Bill No. 6769 o panukalang Agri-Scouting Act na layuning palakasin ang partisipasyon ng mga kabataan sa mga aktibidad at programa na para sa pagprotekta sa kalikasan.
Ang panukala ni Salo ay isang paraan ng pagtugon sa ating mababang food productivity kahit pa ang Pilipinas ay isang agricultural country.
Naniniwala si Salo na malaki ang maitutulong ng mga kabataan sa pagkamit natin ng food security kung magiging aktibo sila sa pakikibahagi sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapa-unlad sa sektor ng agrikultura.